Prayer Request


Aking mahal na panginoon maraming salamat po sa lahat ng biyaya na binibigay niyo po samin. Kahit ano pong pagsubok ay amin pong makakaya wag niyo lang pi kami iiwan sa aming mga laban ama. Ikaw lang po ang makakatulong samin ama na malagpasan lahay ng ito. Aking mahal na panginoon tulungan nyo po ang asawa ko na malagpasan niya ang hirap na ito, ako po ay nagmamakaawa sa milagro na mawala po ang mga cancer niya. Panginoon mapatay po sana ng chemo anak lahat ng cancer ng asawa ko. Naniniwala po ako na may himala ama, na gagaling ang asawa ko na hahaba pa ang buhay niya pagsubok lanh ang aming pinagdaraan. Ama wag mo po kaming iiwanan, lagi mo po kaming tulungan at gabayan sa lahat ng aming laban at pagsubok na pinagdaraan. Mahal na ama maraming salamat po at hindi nyo po iniwan ang aking asawa sa chemo niya. Ama ko maging maayos po sana lahat ng blood counts niya at blood work niya sana po lahat ng organs niya ok. May tiwala po ako na magiging maayos ang lahat ama. Lagi nyo po kaming tulungan at ilayo sa anuman kapahamakan. Lalo na po sa aming pagtulog at sa anuman ginagawa namin. Ama salamat po sa pagbibigay ng lakas at magandang katawan sa aking nanay palakasin nyo po siya at aking tatay. Kahit po ganun sila mga magulang ko pa rin po sila at mahal ko po sila. Ama ko salamat po sa dalawa naming anak na matalino, gwapo at malusog. Palagi niyo pong ipadala ang inyong mga anghel para po sa kanilang kalusugan at sa aming kalusugan. Maraming maraming salamat po ama. Tulungan po ninyo ang aking mga mahal sa buhay at ilayo nyo po kami sa anuman kapahamakan. Tulungan po ninyo kami sa lahay ama at ilayo nyo po kami sa tukso. Salamat po sa lahat lahat ama ikaw po ay napakabuti at napabait na panginoon. Maraming salamat po sa mamdaming biyaya at pagsubok na inyo pong binibigay sa amin. Kayo na po ang bahala sa amin ama, ikaw po ang aming driver sa buhay. Panginoon dinggin niyo po ang aming mga panalangin, maawa ka po ama. Sa ngalan ng ama ng anak nh espiritu santo, amen



by Anonymous

Pray Pray

2 people prayed for this

Comments on this Prayer

No comments


Similar Prayers