Prayer Request


Napakasaya ko aking panginoong ama na nasa Langit. Pinasaya mo ako at sa wakas ay nahipo mo ang puso at isip ng mahal kong si Ricky,naway ito ay tuloy tuloy na para sa pagbabalik ng aming pagmamahalan at sa aming pagsasamang muli at pagkikita. Ipinapangako ko aking ama na nasa Langit,at sa aking mahal na Birheng Maria na magiging mabuti akong kabiyak sa puso ni Ricky at ipinapangako ko din po na magpakasal kay Ricky sa inyong Banal na Tahanan. Upang mabigyan nyo ng Sagradong Bendisyon ang aming pagsasama at mapagtibay ang aming relasyon sa tulong ninyo at sa pagmamahal nyo sa amin. Ipinapangako ko din po na magiging mabuti akong Kabiyak at Asawa kay Ricky. At magigingabuting Ina sa aming mga anak at sa aking mga anak. Gagampanan kong maging maayos at mabuting anak sa aking mahal na Ina at mabuting manugang sa aking biyenan na magulang ni Ricky at magiging mabuting kapatid sa aking mga mahal na mga kapatid.ang lahat ng ito ay ipinapangako kong tutuparin ko at gagampanan ko ng maayos. At pag iingatan kong hawakan ang aming relasyon at aming pagmamahalan sa isat isa. Hari nawa ang lahat ng kagustuhan ng aking puso ay kagustuhan din ng puso ni Ricky. Kayo po ang nakaka alam ng lahat para amin. Lahat ng itoy itinataas ko sa inyo aking Panginoon sa Langit. Maraming maraming salamat po Aking Ama at aking Panginoon sa Langit.



by RYUMIE1926

Pray Pray

2 people prayed for this

Comments on this Prayer

No comments


Similar Prayers